
Kung hindi ganito ang takbo ng mundo, hindi ako magdadalawang-isip na tumakas tayo.385Please respect copyright.PENANAkxEK0lfEW2
385Please respect copyright.PENANAw2tMsndGNS
Hindi maalis ni Tydel ang kanyang isipan sa pag-uusap nila ni Jessenia. Kung may nasabi man siyang mali o masakit, kung kaya lang niyang mabago, tapos na ang lahat. Hindi na niya muling mababalikan ang nakalipas. Siguro sa sandaling iyon ay nalaman na ng puso niya ang kasagutan. Na kahit sobrang sakit...385Please respect copyright.PENANAFWsmTWQPI1
385Please respect copyright.PENANAP7a0MenM3i
Kahit ayaw niya, si Tydel na ang hari ng Midnia.385Please respect copyright.PENANAOysV6itoSq
385Please respect copyright.PENANArm5VAWRWqr
- - - 385Please respect copyright.PENANACcOb53MZj9
385Please respect copyright.PENANA4tG5xa1eqA
Mga iilang linggo nang hindi nagpapakita ang kanyang papa. Nakahandusay sa higaan ang haring Idrola, walang salita, walang imik. Hindi kumukuha ng pansin, hindi namamansin. Noong isang gabi tinatak na ni Tydel sa isipan niya na wala nang buhay ang tatay niya. Sinisikap man ng mga manggagamot ng Midnia na maayos ang kalagayan ng hari, parang may nakaukit na sa utak ni Tydel na wala nang pag-asa. Mabilis na ring kumalat ang sakit sa mga nayon ng kaharian. Unti-unting nasisira ang pundasyon ng kaharian. Mas naramdaman ni Tydel ang pagiging mag-isa.385Please respect copyright.PENANAgeuu157M1C
385Please respect copyright.PENANAlpcOZ6CVw5
Madalas na ngayong puntahan ni Tydel ang Amang Abracosa, ang matandang nagpalaki sa kanyang ama. Malaki ang kaniyang paghanga sa matanda, dahil hindi lamang sa pamumuno o pakikipaglaban ang karunungan na inaabot niya; isa siyang Mezular.385Please respect copyright.PENANAL5hjim4rjq
385Please respect copyright.PENANAavwGfFkjMj
Kagalang-galang ang mga Mezular sa loob ng bawat pader ng Midnia. Sila ang gabay ng sangkatauhan. Matagal na silang naririto sa mundo. Marami ang nagsasabing sila ang mga katulong ng Inang Kalibutan, ang diyosang kanilang pinaniniwalaan, lalo na't marami sa kanila ang mayroong kakaibang kapangyarihan na nakakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ang kanilang karunungan ang nagbibigay liwanag sa bawat desisyon na ginagawa ng gobyerno at ng mamamayan. Kailangan ni Tydel ang karunungan na ito. Kailangan niyang malaman kung paano maging isang hari. 385Please respect copyright.PENANA3WDEjHiko9
385Please respect copyright.PENANACPnoc8RdL8
Pero sa bawat pagkikita nilang dalawa ni Abracosa, tila may nawawalang liwanag sa langit.385Please respect copyright.PENANAOnKtPbw6xz
385Please respect copyright.PENANALhB4BnZidk
"Amang Abracosa, nararamdaman mo ba?"385Please respect copyright.PENANAJWrPfOupVU
385Please respect copyright.PENANA4zuR5vWyN9
Napatingin si Abracosa sa kanya, parang may kakaunting kinang pa sa mata ng binata.385Please respect copyright.PENANAyltkixxeKO
385Please respect copyright.PENANAZOJRXVC2MT
"Ano iyon, anak?" sagot ng matanda.385Please respect copyright.PENANAFwsdrr0Et9
385Please respect copyright.PENANAoR3b7t1sAm
"Unti-unting dumidilim ang kapaligiran. Sa tingin ko'y hindi lang ito dahil sa panahon. Sa tingin ko, may paparating."385Please respect copyright.PENANALYVfvizjUT
385Please respect copyright.PENANAE54qT8xRSh
"Palagi namang may paparating, Tydel. Hindi lang tayo handa." malungkot na sinabi ni Abracosa. Kaniyang tiningnan ang lapag at hinaplos ang damo.385Please respect copyright.PENANAhiY8Ypk9Md
385Please respect copyright.PENANAwZyuDa0gDl
Patuloy pa rin ang kaniyang pagsasanay. Araw-araw niyang sinisikap na aralin ang bawat salita sa mga librong nakatanghal sa mga pader ng bahay ni Abracosa. Tinulungan ng matanda si Tydel na gumamit ng baril at tabak, kung dumating man ang panahon na dahas na ang kinakailangang paraan. Napansin ni Tydel ang pag-aalinlangan ni Abracosa sa simpleng pagbibigay ng baril sa kanya.385Please respect copyright.PENANAw93B6SOqHY
385Please respect copyright.PENANAdfpuigkY71
Nahalungkat din ni Tydel ang mga librong nagpakita ng kasaysayan ng Midnia, kung paano ba ito nabuo. Bata pa lamang si Tydel noong nagsimula ang Midnia. Ngunit, sa kanyang mga alaala't panaginip, dinig niya ang sigaw ng mga tao, ang pagsunog sa mga bahay, at ang isang koronang tinalsikan ng itim na dugo.385Please respect copyright.PENANA6E4hJdkvxp
385Please respect copyright.PENANAlxQ97zoLXZ
"Napapaginipan mo pa rin ba ang pagtakas natin sa Teccao?" biglaang tanong ni Abracosa, na tila alam niya ang iniisip ni Tydel.385Please respect copyright.PENANA7lfj6fPYW0
385Please respect copyright.PENANAjahdZ2fVBY
"Oo, ama, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, patuloy ang pagdurusa ng kaharian natin dahil sa kanila. Dahil sa kanila, patay na si tito. Nagawa nilang patayin ang pinakamalakas nating mandirigma. Ano pa ba ang hindi nila kayang gawin?" iyak ni Tydel.385Please respect copyright.PENANAHckZDAIaFl
385Please respect copyright.PENANAjKCReipxuj
"Mga iilang linggo nalang bago sila ulit umatake." sabi ni Tydel habang tumitingin sa mga pahina ng libro. Nagsimula siyang gumuhit ng larawan ng pagkamatay ng kanyang tito.385Please respect copyright.PENANAvLF8vgwuns
385Please respect copyright.PENANAGa6QMmRmkP
Huminga nang malalim si Abracosa.385Please respect copyright.PENANAT9UyZ4FI6C
385Please respect copyright.PENANA1zywO7zEDi
"Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman ang katotohanan." sabi niya. Tumayo si Abracosa sa kanyang inuupuang bato. Sinayaw ng hangin ang kanyang puting buhok.385Please respect copyright.PENANAYuK9UpbzyP
385Please respect copyright.PENANAibUpb6oTTN
"Noong bata ka pa, Tydel, tumakbo tayong mga Midnian mula sa Teccao. Lahat tayo dito ay mga Teccian noon. Ngunit tinuligsa natin ang mga utos ng gobyerno, dahil nakakasama ang kanilang pamamahala. Binigyan ni Grandor, ang hari, ang kaniyang militar ng kalayaan sa pag-aresto ng mga taong kasalungat niya. Iilang nayon ang napaalis nung araw na iyon. Ang 'Araw ng Pagbabago." Lahat ng ito, dahil sa maling tao napunta ang korona ng Teccao."385Please respect copyright.PENANA3NTJxaNjtw
385Please respect copyright.PENANAj8t9lPhRgS
Tahimik na lumuha si Tydel. Isang tingin lang ni Abracosa sa binata at alam na niya ang katanungang umiikot sa isipan niya.385Please respect copyright.PENANAYANrzS3fV9
385Please respect copyright.PENANAxspY6H6LJw
"Desisyon ng papa mo na itago sa iyo ang katotohanang ito. Lahat ng mga tao, lalo na ang iyong mga guro, kinausap niya."385Please respect copyright.PENANADsGVRrdfzo
385Please respect copyright.PENANAJp6XLwEeNj
Tinago ni Tydel ang kanyang mga luha kay Abracosa. Napatingin siya sa dumidilim na langit. "Kung hindi ako ang nararapat na maging hari ng Midnia, handa akong sumuko. Ngunit hindi ako titigil na lumaban para sa kaharian—"385Please respect copyright.PENANA6JSUWZcJr4
385Please respect copyright.PENANAHuNxrmsoXy
"Hindi ganiyan ang intensyon ng ama mo. Sa totoo, ang kinakatakutan niya ay ang labis mong pagmamahal sa bansa. Noong sanggol ka pa lamang, Tydel, may naramdaman na ang mga Mezular sa tibok ng puso mo. Ikaw lang ang pupuwedeng maging hari ng kahariang ito."385Please respect copyright.PENANAX9AMB7OXEv
385Please respect copyright.PENANAhewAQXmh0t
Tumingin si Tydel sa matanda. "Kung ganoon, bakit 'to tinago sa akin?"385Please respect copyright.PENANAjrqkHr35tq
385Please respect copyright.PENANAVMXEcbEJyk
"Dahil alam nating dalawa kung ano ang gagawin mo, kung sakali mang malaman mo."385Please respect copyright.PENANAqmzIdP0wqx
385Please respect copyright.PENANA1B4wpRpRse
Lumakad si Abracosa papunta kay Tydel at umupo sa tabi ng binata. "Mahal na mahal ka ng tatay mo, Tydel. Ayaw niyang mapahamak ka't masaktan dahil lamang ikaw ang anak niya."385Please respect copyright.PENANAd82Qi8kUYB
385Please respect copyright.PENANAlFSMBE689V
Malungkot na nagsalita si Tydel. "Hindi ko kinakaya na humilata lang habang nilulusob tayo buwan-buwan ng mga Teccian. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos ang gulong ito."385Please respect copyright.PENANACwLYMssGKa
385Please respect copyright.PENANAmiHT8CVL5o
"Tydel, alam kong puro ang iyong intensyon, pero sana maintindihan mo ang kahalagahan ng dugo mo. Kung walang mamamahalang Dysplis sa Midnia, babagsak lang ang kaharian. Iyan ang matagal ko nang panaginip, Tydel."385Please respect copyright.PENANAoMngfBgx4Y
385Please respect copyright.PENANA9VDaYQlM4M
"May dugong Dysplis din si mama, kaya niyang maging reyna ng kaharian."385Please respect copyright.PENANAhLjKk1Grq3
385Please respect copyright.PENANAsTamdps1wU
"Makakayanan niya, oo. Magaling ang mama mo. Pero sa darating na panahon, mas kailangan ka namin, Tydel."385Please respect copyright.PENANA334DXuK0hY
385Please respect copyright.PENANAB4y6noxpDN
Tumayo si Tydel. "Hindi ko kayang umupo lamang. Kailangan kong tumayo, lumaban! Amang Abracosa, kailangang kong pumunta ng Teccao—" huminto si Tydel sa kanyang mga salita. "Doon ko lang magagawang mabago ang landas natin..."385Please respect copyright.PENANAi7mF0fxVRv
385Please respect copyright.PENANACrz7FXDjps
Tumahimik sila nang ilang sandali.385Please respect copyright.PENANA2w48g2dShf
385Please respect copyright.PENANA8KwFcfKs2r
"Pagpapakamatay lang ang gagawin mo, anak." wika ni Abracosa.385Please respect copyright.PENANATfA5KZ1dC4
385Please respect copyright.PENANA3BpEKaPwLR
"Handa na akong mamatay para sa bayan."385Please respect copyright.PENANAvhP8Wg78sq
385Please respect copyright.PENANAAvlMApuWZO
Umambon na nang konti sa paligid nila. Nagsimula nang bumalik sa bahay-kubo ni Abracosa ang mga ibong kanyang inaalagaan. Inilatag ng matanda ang kanyang kamay sa mainit na damuhan, na parang may hinihingi siyang kasagutan mula sa lupa.385Please respect copyright.PENANAW91r2ioqjU
385Please respect copyright.PENANAOxGqzkrbhc
"Alam mo, Tydel, ito ang palaging sinasabi sa amin ni Inang Kalibutan; sa bawat paggalaw natin, hindi lang ang isip ang dapat na gumagana. Kailangan din nating tanungin ang ating puso. Dahil sa kalaliman ng ating mga puso, namumuhay ang parte ng ating pagkatao na nakakabit pa sa ating pinanggalingan. Na magsasabi sa atin kung ano ang nararapat na pasya."385Please respect copyright.PENANASlMMEWmZD7
385Please respect copyright.PENANA9uc3O0AgxK
"Ano kaya ang sagot ng puso mo, Ama?" tanong ni Tydel.385Please respect copyright.PENANA0XCzWuWwGw
385Please respect copyright.PENANAU9IiBjW4Ch
"Na kinakailangan mong intindihin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng puso." sagot ni Abracosa.385Please respect copyright.PENANAYUt8Tw1yRP
385Please respect copyright.PENANAutFOHUBCc5
Nilagay ni Tydel ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib.385Please respect copyright.PENANANW1c53Cfp6
385Please respect copyright.PENANA5PR9NFbbfC
"Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hinihiling mo.”385Please respect copyright.PENANAy5Vib9lpz8
385Please respect copyright.PENANADX3soR1qsg
- - - 385Please respect copyright.PENANAShi1u3aYHj
385Please respect copyright.PENANA8iC6tMc24Z
Dumating ang panahon na mas lumaganap lamang ang sakit sa bawat nayon ng Midnia. Ginawa ng lahat ng mga manggagamot ang kanilang makakaya, pinagod ang kanilang mga katawan hanggang sa wala nang maibugang salita. Sa tulong ng mga Mezular at ang mga pinagkakatiwalaang tao ni Idrola, maraming buhay ang nasagip. Ngunit hindi ito sapat para ibangon muli ang kaharian mula sa paghihirap.385Please respect copyright.PENANA4J6BRkFJaT
Punong-puno ng lagim ang mga kalye ng Midnia. Halos walang taong makikita sa bawat sulok ng kaharian. Kung mayroon man, ito ang mga taong pinalabas ng kanilang pamilya sa takot na mahawaan ang iba, na silang mahahanap ng mga guwardiyang umiikot-ikot sa mga nayon upang makita ang kalagayan ng tao. Mabilis silang itatakbo sa ospital, pero halos lahat ng mga pasyenteng naghihintay sa kanilang pagkakataon ay namamatay na lamang sa gutom at init.385Please respect copyright.PENANAdNpqCpnnqk
385Please respect copyright.PENANA7j5TvM7iXM
Bawat araw, mas lumalakas ang ulan sa Midnia.385Please respect copyright.PENANAufDQDrXt49
385Please respect copyright.PENANAeAWGWM6y1c
Sa dami-rami ng masasamang pangitain, mas tumindi lamang ang pinaninindigan ni Tydel. Kailangan niyang umaksyon. Kung hindi, hindi siya isang totoong prinsipe.385Please respect copyright.PENANAuvLgx74Hs8
385Please respect copyright.PENANAunIOQ9G35M
“Sa susunod na lumusob ang Teccao, maghahanda na ako. Pupunta ako sa ugat ng lahat ng ating problema at ipapangako ko sa inyong lahat na masisira ko ito.” biglaang wika ni Tydel kay Amang Abracosa habang pinapakain ng matanda ang kanyang mga ibon.385Please respect copyright.PENANAB6XrizPL0Z
385Please respect copyright.PENANAljuSy6dYpz
“Siguro nga’y hindi na kita mapipigilan. Pero iisa lamang ang tanong ko sa’yo. Ano ang iyong plano?” sabi ni Abracosa.385Please respect copyright.PENANAiscPDvDZyf
385Please respect copyright.PENANAWWyRecQ4mp
Lumapit si Tydel sa kanyang guro na may hawak na balde ng pagkaing-ibon. “Hindi ko rin alam, ama. Pero ang alam ko’y kapag nandirito lang ako, walang magandang mangyayari sa atin.”385Please respect copyright.PENANAcvHUKO48mA
385Please respect copyright.PENANAqNbAjQo6P3
Buntong-hininga na lamang ang lumabas kay Abracosa.385Please respect copyright.PENANAupSWQ0Xn27
385Please respect copyright.PENANAQYRXA9QrDd
“Mayroon akong alam na puwede mong simulan.” sabi ng matanda.385Please respect copyright.PENANAV4zln9nbIK
385Please respect copyright.PENANAHOYhNGrgFZ
Pumasok sila sa kanyang silid-aklatan, isang maliit na kwartong mataas ang bubong at sa bawat pader ay nakahiga ang libo-libong mga libro. Liniwanagan ng sikat ng araw ang mga sulok ng kwarto. Inabot ni Abracosa ang isang panikwas sa kanyang gilid at unti-unting gumalaw ang mga pader at bumaba ang mga istante. Nang mapunta na ang aklat sa maaabot ni Abracosa, itinigil niya ang paggalaw ng pader at inabot kay Tydel ang libro.385Please respect copyright.PENANAqFFzdQsnfK
385Please respect copyright.PENANAJTJYtvFWDd
Binuksan ng binata ang mga pahina at kanyang nakita ang isang nayong namumuhay sa loob ng isang latian, na kahit umaga man ay madilim. Ngunit nakikita rin niya ang kasiyahan ng mga tao sa iginuhit na larawan. Para bang walang pahid ng digmaan sa kanilang mga pader.385Please respect copyright.PENANAANcoREskgC
385Please respect copyright.PENANAkwrS9wdwEC
“Ang nayon ng Cura. Ang kinalimutang nayon ng Teccao. Nasa kanila ang solusyon sa sakit na lumalaganap sa kaharian. Kung iyong mabigay ito sa atin, pupuwede ka nang magpahinga sa mga natitirang araw ng buhay mo.” sabi ng matanda. “Ngunit mahirap itong pasukin. Kung tinanong ka, sabihin mong ipinadala ka ni Amang Abracosa. Pero, hindi ko maipapangako ang iyong tagumpay.”385Please respect copyright.PENANA21Le6GXL40
385Please respect copyright.PENANABfcclILqpS
“Opo, ama. Maraming salamat po.” at niyakap ng binata ang kanyang tagapayo. Tumulo ang luha ni Abracosa sa mga buhok ni Tydel.385Please respect copyright.PENANAwS4zzEASLb
385Please respect copyright.PENANAfGay9g2zLF
“Maghahanda ako para sa iyong paglalakbay. Kailan ka aalis?” sabi ni Abracosa nang nilulunok ang kanyang kalungkutan.385Please respect copyright.PENANAV4d2q0pLrj
385Please respect copyright.PENANAH0Zk15sydI
“Ngayong gabi ‘ho, ama.”385Please respect copyright.PENANAgRV2l3pbcH
385Please respect copyright.PENANAVBaTFIvWbD
“Magkita tayo sa gilid ng kagubatan. Magpaalam ka na sa mga minamahal mo.”385Please respect copyright.PENANA3NyrrJAXse
385Please respect copyright.PENANAR4XGy9ltPK
Nang umalis na si Tydel mula sa kanyang bahay, lumabas si Abracosa at umupo sa hagdanan ng kanyang bahay-kubo. Dinamdam ng kanyang mga paa ang init na ibinibigay ng lupa. At siya’y umiyak, nilabas ang kanyang pighati.385Please respect copyright.PENANA1TMdo7GNvX
385Please respect copyright.PENANAC4zjXBtH7E
Bakit siya ang dapat isakripisyo? Sa dami-rami ng tao sa kaharian, bakit siya?385Please respect copyright.PENANA9LvE2sngzM
385Please respect copyright.PENANAqWF7iwhyVp
- - - 385Please respect copyright.PENANAd9GtDG0FRS
385Please respect copyright.PENANAZrcG3vjIYi
'Tydel, hindi ko kakayanin 'to...' ay ang mga salitang sumira sa puso ng binatang prinsipe.385Please respect copyright.PENANAuTL4ua3wIV
385Please respect copyright.PENANAimwoo0yGP5
Noong hapong iyon ay nagsimula nang pumunta si Tydel sa kanyang mga kaibigan mula sa akademiya. May dilaw na kinang ang gilid ng langit at lupa na tila magsilbing kolorete sa paglisan ng araw.385Please respect copyright.PENANAhI9t2azxVi
385Please respect copyright.PENANAsh2jBMxDEA
Mabilis siyang nakapaglibot sa nayon gamit ang kanyang motor; halos walang lamang sasakyan ang mga daan. Mabuti rin at walang nakakilala sa kanya, marahil dahil na rin sa suot niyang salakot, o dahil kakaunti na lamang ang naglalakad sa mga kalye. Ayaw niyang maisip ng tao na aalis papuntang ibang kaharian ang pag-asa nila.385Please respect copyright.PENANAsuzDciWqlh
385Please respect copyright.PENANAk6HT98jhJD
Nang pagpasok ni Tydel sa bahay ng kanyang pinakamatalik na kaibigang si Hernando, tila wala nang natirang kasiyahan sa paligid. Nagkasakit ang ina ni Hernando ngunit pinipilit pa rin nyang gumalaw para alagaan ang kanyang mga anak. Sa nakita ni Tydel, siya ang nag-aasikaso sa pagpapanatiling malinis ng bahay; parang malapit nang bumagsak ang matanda. Bago pumasok si Tydel, iniwan niya muna ang sapatos niya sa tapat ng pinto. Umiiyak na pinapasok ng ina ni Hernando ang prinsipe.385Please respect copyright.PENANA2LMOrM2KyM
385Please respect copyright.PENANAEQXsjzRuAG
"Iyong Kataas-taasang Prinsipeng Tydel, hindi niyo na kailangang hubarin ang inyong sapatos—"385Please respect copyright.PENANAxiw3d7lIso
385Please respect copyright.PENANAfBvw0gn3zV
"Salamat po, Inay, pero hindi po mawawala ang paggalang ko sa inyo kahit ako'y maging hari."385Please respect copyright.PENANA5zPtlc0zSB
385Please respect copyright.PENANAd8qZkV630Z
Mas lumala ang pagluha ng ina. Sa sandaling iyon, bumaba na si Hernando mula sa kanyang kwarto at huminga nang malalim nang makita ang presensya ng kanyang mahal na kaibigan.385Please respect copyright.PENANAXSAbjvLxqB
385Please respect copyright.PENANA6szrcSGFUQ
Nag-alok si Hernando ng tasa ng tsaa ngunit tinanggihan ni Tydel, sinabing, "Hindi ako magtatagal."385Please respect copyright.PENANAZoWWVX4ITc
385Please respect copyright.PENANAzQFXPKsgOb
Umupo si Hernando at humigop sa kanyang tsaa. "Naaalala mo pa ba 'yung araw na muntik ka nang mabaril ng guwardiya?"385Please respect copyright.PENANA1A8caqO0dT
385Please respect copyright.PENANAEvY0TludqV
Ngumiti si Tydel. "Oo. Grabe ka kasi, 'di ka mapakali. Ayan, muntik na 'kong mamatay dahil sa'yo."385Please respect copyright.PENANAcVedDvan4n
385Please respect copyright.PENANABkR1fO9vzh
Tumawa si Hernando. "Alam mo, 'yun din ang araw na nalaman kong gagawin mo ang kahit ano para sa kabutihan ng kahit sino man– maliban sa sarili mo."385Please respect copyright.PENANAoCL5eUKvPm
385Please respect copyright.PENANA8bCs8U6Ocw
Humina ang ngiti ni Tydel. Tumingin siya sa lapag. "Hindi ko mapigilan. Ito na ako."385Please respect copyright.PENANAGYcuKEru4J
385Please respect copyright.PENANAUhZFn738uu
"Kung kaya ko lang na masamahan ka, Tydel, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Alam mo 'yan." sabi ni Hernando.385Please respect copyright.PENANA3mmJHmFCcy
385Please respect copyright.PENANAnGTV7Mrt9Q
"Alam ko, ngunit mas mahalaga ang pamilya mo." sabi ni Tydel.385Please respect copyright.PENANASXLx7FTwok
385Please respect copyright.PENANAWWb0QE6kYZ
"Parang tanggap ko na na mamamatay si Inang. Oras nalang talaga ang hinihintay." buntong-hininga ni Hernando.385Please respect copyright.PENANA1sbwxOIkOA
385Please respect copyright.PENANAZUxbwRhDp8
"Hindi lang ang nanay mo ang kailangan mong asikasuhin. Nandyan pa ang mga kapatid mo."385Please respect copyright.PENANA2QeO7MLfvd
385Please respect copyright.PENANANysQdvrvlv
Tumahimik nalang si Hernando. "Mag-ingat ka. Kailangan mong bumalik para sa bayan."385Please respect copyright.PENANAulPXbPOQB8
385Please respect copyright.PENANAoqvw3cVLmJ
"Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang aking makakaya."385Please respect copyright.PENANACtN8nrR62w
385Please respect copyright.PENANANepb63tqRR
Umalis si Tydel pagkatapos siyang yakapin ni Hernando. Kay sakit sa kanyang puso na maaaring ito na ang huli nilang pagkikita. Naramdaman din niya ang kakaunting galit na mayroon si Hernando. Ngunit wala na siyang magagawa pa.385Please respect copyright.PENANA1PooqWZf18
385Please respect copyright.PENANAx04I501wwK
Huli na ang pag-uusap nila ni Jessenia.385Please respect copyright.PENANAU6zaq6nDvu
385Please respect copyright.PENANAc0CudftQbs
Marahil hinuli niya dahil hindi pa niya kaya. Dahil hindi pa siya handa. Ngunit may sagot na ang puso niya, hindi lang niya masabi. Natatakot siya. Ayaw niya muna.385Please respect copyright.PENANAMJNuKHV8DV
Labis nilang sinuportahan at minahal ang isa’t isa, kahit na ang Midnia ay nawawarak na sa pagitan nilang dalawa. Hanggang ngayon, si Jessenia pa rin ang munting apoy na sumasama kay Tydel sa mundong kay lamig. Kung puwede lang sanang manatili nalang siya sa kanyang mga kamay sa sandaling magkita sila mamaya…385Please respect copyright.PENANAGRMEMlSFNG
385Please respect copyright.PENANAYEcqjenBEx
Gayunpaman, kahit gaano kabigat ang puso ni Tydel, kailangan na niyang pakawalan ang tanging nagbibigay sa kanya ng liwanag.385Please respect copyright.PENANAnSLxhVjm66
385Please respect copyright.PENANAaknzDwk1Aw
Sa kanilang pagkita, umiiyak na ang dalaga. Basa sa ulan, naghihintay sa tapat ng kanyang bahay para masulyapan lamang ang minamahal. Pagbaba ni Tydel sa motor ay sinalubong siya ng halik ni Jessenia. May luhang tumulo sa kanyang mata nang maisipan niyang huminto muna at manatili. Sana ganito nalang ang takbo ng oras. Mabagal, pero walang hinto. Para mas madama niya ang pagmamahal ni Jessenia. Para maisang-tabi na muna niya ang kanyang mga problema.385Please respect copyright.PENANAJdvLekFMhQ
385Please respect copyright.PENANAiQZEGKXPOj
Umiyak ang dalawa at nagyakapan sa ilalim ng ulan. Sa isipan ni Tydel, halos iisang oras silang nandoon, sinusulit na lamang ang sandali.385Please respect copyright.PENANA5UATMLAc9E
385Please respect copyright.PENANAF2pIr7yXOE
Sa wakas, nagawa ring magsalita ni Tydel. “Anong ginagawa mo sa kalagitnaan ng daan? Bakit hindi ka pumasok, ang lakas ng ulan, mahal.”385Please respect copyright.PENANAB7gjPbiGDQ
385Please respect copyright.PENANAGelA80g7s3
“Parang naramdaman ko na na aalis ka. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko…” iyak ni Jessenia, at naramdaman ni Tydel ang higpit ng kanyang yakap.385Please respect copyright.PENANAQYrDrzKBox
385Please respect copyright.PENANAuXIp0LgvBQ
“Patawad, mahal.”385Please respect copyright.PENANAeXhb2ybABO
385Please respect copyright.PENANA6yWlFOz3Kg
“Tydel, hindi ko kakayanin 'to…”385Please respect copyright.PENANA7550aRxCQs
385Please respect copyright.PENANAc5nXXu6a4f
Hindi na napigilan ni Tydel ang kanyang luha. Mahinhin niyang nilagay ang pisngi ni Jessenia sa piling ng kanyang mga daliri; kay lambot ng kanyang hawak, kay sakit ng sandali.385Please respect copyright.PENANACi44v7I8mV
385Please respect copyright.PENANAK7sG0xsLDH
“Tingnan mo 'ko. Alalahanin mo ang mukhang ito. Maraming araw ang darating bago mo ako makita muli, pero ipapangako ko sa iyo…” Napahinto si Tydel. “Pasensya na… hindi ko maipapangako ang pagbalik ko.”385Please respect copyright.PENANALAzb8dmrpo
385Please respect copyright.PENANAS9aY10INb7
“Alam ko, hayaan mo na muna akong mahawak ka nang matagal.” sabi ni Jessenia kahit pagod na ang labi.385Please respect copyright.PENANAqeXNjlmY4Q
385Please respect copyright.PENANA8e1l6iu0Fj
“Kung hindi lang ako ang prinsipe, mahal… Kung hindi ganito ang takbo ng mundo—” ngunit hindi natapos ni Tydel ang kanyang mga salita.385Please respect copyright.PENANAg9FKasqzaT
385Please respect copyright.PENANAC5rzK7QjIn
"Pero ganito ang takbo ng mundo. Ang sakit ring isipin, Tydel…” luha ni Jessenia. “Pero may iisa akong maipapangako sa iyo. Tingnan mo ko, mahal.”385Please respect copyright.PENANAdgJVnSuZsG
385Please respect copyright.PENANAH6iO8Eux0p
Nagkita ang mga mata ng dalawa. Bulong ni Jessenia, "Kahit man may galit sa atin ang mundong ito, pipiliin ko pa ring tumakbo sa tabi mo. Ipaglalaban ko ang pagmamahal natin. Paninindigan kita. Kahit hindi ko na kaya, sa’yo pa rin ako…"385Please respect copyright.PENANAOAkGoAZnk1
385Please respect copyright.PENANAH9FkuIapBo
Nanginig ang katawan ni Tydel at nanghina siya sa kamay ng kanyang minamahal. Hindi pinakawalan ni Jessenia si Tydel.385Please respect copyright.PENANA561buel4zU
385Please respect copyright.PENANA5ORdpAi0YQ
“Kung ito ang kasagutan ng puso mo, ito ang ipagpatuloy mo.” sabi ng dalaga.385Please respect copyright.PENANAG3xelyu8dx
385Please respect copyright.PENANAN1UkaYwPHM
"Mahal na mahal kita. Paalam, Jessenia."385Please respect copyright.PENANAML43CZEyqX
385Please respect copyright.PENANAWHN0J5metm
- - - 385Please respect copyright.PENANA6FFFaFcT0B
385Please respect copyright.PENANArMXJDCmW7u
Tahimik na ang mga sumunod na oras. Pagbalik ni Tydel sa palasyo ay hindi na siya nakapagsalita, kahit sa harap ng kanyang sariling inang si Lumina. Hindi niya magawang mabanggit lamang ang kanyang paglisan, dahil alam niya ang gagawin ng kanyang mama. At kahit salungat sa kaniyang kalooban, kailangan niyang ilihim ang nararamdaman.385Please respect copyright.PENANAj4x4G5r5I2
385Please respect copyright.PENANAoNaDAQ0g6V
Kinulong ni Tydel ang sarili niya sa kanyang kwarto upang makapag-impake ng kanyang gamit. Ang baril, kutsilyo, iilang pagkaing pinapakain lamang sa militar, mga damit na pang-sibilyan, lahat ay ipinagkasya sa isang maletang kayang ikarga ni Tydel sa kanyang likod.385Please respect copyright.PENANAjgENdnD9b2
385Please respect copyright.PENANAikGPfwzRPR
Ngunit hindi siya makalabas.385Please respect copyright.PENANAGYjS6vkXxq
385Please respect copyright.PENANAWsATcuCzoM
Bumagsak ang binata sa sahig, natapon ang laman ng maleta. Hindi makahinga nang maayos, patuloy na tumutulo ang pawis. Mayroon pang takot na pumipigil sa kanya, at kahit ipinipilit niya itong itulak pababa, hindi niya maiwasan ang pangangamba. Unti-unting humihigpit ang kanyang mga baga, at namumula na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Niyakap niya ang kanyang sarili habang nakahilantad sa lapag. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay sa pagtigil ng lahat.385Please respect copyright.PENANAPLaxAY7KSk
385Please respect copyright.PENANAqVeWubF85m
BOOM. Sa lakas ng pagsabog na narinig ni Tydel, bumalik siya sa kanyang pag-iisip at nakahinga nang malalim. Hindi niya alam kung iilang minuto siyang nakahiga sa sahig. Biglang kumalog ang lapag, umugoy ang palasyo, habang binibigyang-kahulugan pa ni Tydel ang nangyayari.385Please respect copyright.PENANAJY6rC6AAIZ
385Please respect copyright.PENANAZfdeJZCCdc
Lumabas siya sa kanyang kwarto at tiningnan ang mga pasilyo; kaliwa’t kanang natatarantang tumatakbo ang mga trabahador. Sa labas ng bintana ay dinig niya ang sigaw ng mga tao. Ang kaninang dilaw na liwanag sa pagitan ng langit at lupa ay ngayo’y naging apoy na kumukumot sa ulap ng Midnia. Sa sandaling iyon, nalaman na niya ang nangyayari.385Please respect copyright.PENANAMJkKBaLW0H
385Please respect copyright.PENANAShPcjFZ16b
Nandito na ang Teccao.385Please respect copyright.PENANAlNxMCVTBYn
385Please respect copyright.PENANAUwaNFxJSyN
Iisa lamang ang nasa isipan niya, na hindi pa siya nakakapagpaalam sa kanyang ama. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdang patungo sa kwarto ng hari, kahit na sinusuntok na ng puso niya ang kanyang dibdib, kahit na binabaha ng pawis ang kanyang katawan.385Please respect copyright.PENANAi3ADKZD2YI
385Please respect copyright.PENANAJsmRNMp2MR
Sa sandaling iyon, hindi man lang naisip ni Tydel na may sakit ang kanyang ama, na maaari siyang mahawa't mapahamak ang kanyang misyon. Gusto lamang niyang masilayan muli ang kanyang papa, kahit ang ibig-sabihin nito ay ang kanyang sariling pagkahina.385Please respect copyright.PENANAoN9QbzKqKG
385Please respect copyright.PENANAXJQAM9jviC
"Papa! Gumising ka, sige na, papa…" dumapa si Tydel sa gilid ng kama, hawak ang kamay ni Haring Idrola malapit sa kanyang mukha.385Please respect copyright.PENANAYlCPo2q2BY
385Please respect copyright.PENANAPNhyp3ie6m
"Anak… oras na ba?" bulong ni Idrola.385Please respect copyright.PENANAmYJy81yaTt
385Please respect copyright.PENANAXfmyy98IlN
"Nandyan na sila, kailangan na nating umalis! Halika, papa, tutulungan kita pababa, sige na…" 385Please respect copyright.PENANAt8j6SGiDdG
385Please respect copyright.PENANAIzxJmQfb3W
"Hindi na, anak… Hayaan mo na ako. Bakit ka pa pumasok dito? Mahahawa ka lang ng aking sakit…"385Please respect copyright.PENANAjS13qn0n1Y
385Please respect copyright.PENANAUHiMzLGTj6
“Papa!” sigaw ni Tydel nang may malakas na pagbagsak sa gilid ng pader. “Hindi mo ba ako naiintindihan? Umaatake na sila! Wala akong pakialam kung magkasakit ako, kailangang mailigtas ka— ”385Please respect copyright.PENANAUFeR2gSVY4
385Please respect copyright.PENANAD3IKaif1N3
“Naiintindihan kita, Tydel.”385Please respect copyright.PENANALlong5ZTJC
385Please respect copyright.PENANA0zOdT0iZyP
Tinitigan ni Tydel ang kanyang papa, at kusang pinakawalan ang kanyang kamay.385Please respect copyright.PENANAcoUDgkehtZ
“Hindi ko pa nga tanggap, papa. Akala ko’y wala na akong pakialam kung lumisan ka, na malakas na ako, na hindi na ‘ko duwag. Pero mali ang akala ko… Tulungan mo ako, papa. Mahina pa ako.”385Please respect copyright.PENANA0yDM76AXZp
385Please respect copyright.PENANADg4GRS5idW
“Mahina rin ako, anak. ‘Yan ang ‘di alam ng nakararami. Pero sinubukan ko, kahit na nilason ako at pinabayaan ng mundo, kinaya ko.”385Please respect copyright.PENANAn1lG0Z1wzS
385Please respect copyright.PENANAnkJLarrVAH
“Paano, pa?”385Please respect copyright.PENANAMG7NPYammW
385Please respect copyright.PENANAALZaqbgnhM
“Kumapit lang ako sa pag-asang magiging mabuti rin ang takbo ng panahon.” ngiti ni Idrola habang kanyang hinawakan ang kamay ng anak. Napaluha si Tydel. 385Please respect copyright.PENANAbyKtki9G2E
385Please respect copyright.PENANA7RxVgfUMcC
“Iisa lang ang taong nakikita kong gigising sa kinabukasang pinapangarap ko.” sabi ng hari. Tumingin si Idrola sa bubong ng kwarto at pinikit ang mata. Hinubad niya ang korona at ipinakita sa kanyang anak. Nakakabulag ang gintong kinang nito, na tila tumitingin ka sa langit. Ang mga perlas na nakakalat sa bawat gilid nito, ang mga naka-ukit na larawan sa mga dulong patulis; kaakit-akit.385Please respect copyright.PENANAnxnfwkiCv4
385Please respect copyright.PENANA1hw1aeIRdo
Ngunit hindi man lang humanga si Tydel sa kagandahan nito. Nang ibaba ng hari ang korona sa ulo ni Tydel, napabagsak ang binata sa sahig at nanatili ang korona sa mga kamay ni Idrola. Hindi na napigilan ni Tydel na ilihim ang kanyang paglisan.385Please respect copyright.PENANAdz6HFu0YA2
385Please respect copyright.PENANAPVzvWBbLzd
“Papa, hindi ko pa kaya. Pa, aalis ako, hindi ko alam kung babalik pa ako ng Midnia!”385Please respect copyright.PENANAQeSz4A2JLy
Nanlaki ang mata ni Idrola at nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa pagkarinig ng mga salita ng kanyang anak. Buntong-hininga na lamang ang lumabas sa kanyang bibig.385Please respect copyright.PENANABoNE4gg2ZS
385Please respect copyright.PENANALaGn3YBFVi
“Ikaw lang ang tunay na hari ng kaharian natin. Hindi ko ito maibibigay sa iba. Ikaw ang pag-asa natin, anak.”385Please respect copyright.PENANAjhofe8S6l0
385Please respect copyright.PENANAEvE9m5rzKr
“Bakit hindi mo ibigay kay mama?”385Please respect copyright.PENANAfjJGmeEyMP
385Please respect copyright.PENANAVKHaq7KJuy
“Mahina na rin siya, anak… Sa mga susunod na araw ay magkakasakit ang mama mo.”385Please respect copyright.PENANAuwnScYofHt
385Please respect copyright.PENANA5Ux9OsYAWY
“Papa…” iyak ni Tydel.385Please respect copyright.PENANALNGsFhsLYl
385Please respect copyright.PENANAfBrpQNZxkm
May nagsimulang sigawan mula sa kabila ng mga bintana. Mayroon nang mga taong bumabalibag sa pinto ng palasyo, nagmamakaawang papasukin sila. Huminga nang malalim si Idrola, at tumahimik ng ilang segundo. Nang pagbukas ng kanyang mata, tumingin siya sa kanyang anak na para bang tiyak na ang kanyang desisyon.385Please respect copyright.PENANAAU3gaPhDmq
385Please respect copyright.PENANAaDHz5etkYv
“Ano man ang iyong gawin, alam ko na ikabubuti ito ng bansa. Kahit hindi mo suot ang korona, ikaw ang aming bayani, Tydel.”385Please respect copyright.PENANAbFbms1Yl4G
385Please respect copyright.PENANAfVhulheQKW
Tiningnan ni Tydel ang kanyang ama. Mahina na, namumuti na ang pisngi. “Paano na ang Midnia, papa? Hindi ko kayang ipagpaliban ang aking misyon. Ngunit hindi ko rin mapapabayaan ang kaharian!”385Please respect copyright.PENANAb48CWB1wWZ
385Please respect copyright.PENANAx6hylVqWak
“Tama ka… mas lalaki lang ang apoy sa Midnia kung hindi ka aalis. At wala na rin naman akong magagawa kung iyan ang iniisip mong kailangang mangyari. Ikaw lamang ang tanging taong alam kong may puro at tapat na pagmamahal sa bayan.”385Please respect copyright.PENANAcgq53MTZdB
385Please respect copyright.PENANAhq50HLsz0T
“Salamat, papa… sa lahat.” Hinalikan ni Tydel ang noo ng hari.385Please respect copyright.PENANA72fHa68gPS
385Please respect copyright.PENANAlGVGeRb3Ie
Tumakbo si Tydel papalabas ng kwarto nang may luha sa kanyang mata, habang lumalabo ang kanyang paningin at unti-unting namumula ang paligid. Sa kanyang likuran, narinig niya ang pagbagsak ng gintong korona ng Midnia. Iniisip niya kung ano ang kanyang iniwanan, ang kanyang isinuko, para lang maging bayani ng bayang bumabagsak na. Manghihinayang kaya siya sa kanyang desisyon?385Please respect copyright.PENANAtMJYuNmS3T
385Please respect copyright.PENANAwscmXiyhCL
Nang may mabilis na pagtibok ng puso, tumalon ang Haring Tydel mula sa bintana. Palabas ng palasyo, papunta ng kagubatan; paalis ng kaharian.385Please respect copyright.PENANA2Oxn3mSslq
385Please respect copyright.PENANAadBM0WaxUl
- - - 385Please respect copyright.PENANAqYv0fWQXZF
385Please respect copyright.PENANA5tT0s4y9iu
"Patay na ang hari." 385Please respect copyright.PENANAc1fOanxnK9
385Please respect copyright.PENANAO8KPhaIc0r
Sa kaguluhang nangyayari sa kabilang dulo ng kagubatan, hindi na ipinakita ni Abracosa ang tunay niyang naramdaman.385Please respect copyright.PENANADhwNb8ylL5
385Please respect copyright.PENANAH3o9JKqETJ
"Oras na rin ng kanyang pahinga." bulong ni Abracosa.385Please respect copyright.PENANAV7gINb7X23
385Please respect copyright.PENANAmM3Xs2XCtd
"Ama… bakit kailangang ngayon mangyari 'to?" Luha ni Tydel habang ibinabagsak ang kanyang mga gamit sa buhangin. Nagningning ang tubig dagat ng pula at ginto sa mga apoy ng Teccao.385Please respect copyright.PENANA8mihJ76DXV
385Please respect copyright.PENANAHnAHnfHuz9
"Wala nang oras para damdamin ang nangyari. Wala nang maiiba. Kailangan nalang nating umusad." 385Please respect copyright.PENANA14EdGNfxZz
385Please respect copyright.PENANAOQckxycqN1
Mula sa tubigan ay pinaangat ni Abracosa ang isang malaking makinang tawag nilang submarino.385Please respect copyright.PENANAAaBgskPvTs
385Please respect copyright.PENANAEnoa8p9O1Q
"Ito ang sasakyan mo papuntang Teccao. Nakasaad na ang ruta niyan, kailangan mo nalang maghintay. Ang kadiliman ng tubig ang kaibigan mo sa panahon mo sa ilalim. Sa pagbagsak mo sa mga lupain ng kaharian ay darating na rin ang mga bangka nila. Mag-ingat ka. Huwag kang magpapakita sa kahit kanino." paalala ng matanda.385Please respect copyright.PENANAUPZ4dqVWSD
385Please respect copyright.PENANAtMJE9ugYdZ
"Ama… Mag-ingat rin kayo."385Please respect copyright.PENANAv7yROvqj4l
385Please respect copyright.PENANAewzBKofGAr
"Pinoprotektahan tayo ni Inang Kalibutan. Huwag kang mag-alala."385Please respect copyright.PENANAC3Ccfor5iY
385Please respect copyright.PENANAHbPh94E2nv
Mula sa leeg ni Abracosa ay tinanggal ang isang kuwintas na yaring kahoy at dahon. Napunta ito sa mga kamay ni Tydel.385Please respect copyright.PENANAXUl2ttjngJ
385Please respect copyright.PENANAjqkbBMOz74
"Palagi mong tandaan, Tydel," pinatuloy ni Abracosa. "Hindi tumitigil ang pagmamahal ng Ina sa atin."385Please respect copyright.PENANAe7jpKCMb2a
385Please respect copyright.PENANAQOj0JoZsHB
Sinuot ni Tydel ang kuwintas. Sa segundong nagdikit ang kahoy nito at ang balat niya, tila nagkaroon ang bata ng kakaibang lakas at galak na matapos ang misyon. Lumiwanag nang kaunti ang kanyang paningin, nawala ang dilim ng gabi. Nagkaroon ng munting kinang ng pag-asa ang kanyang puso. Sa iilang saglit ay naramdaman ni Tydel na mayroon siyang kakayahan at kapangyarihan na ipagpatuloy ang landas. Hindi na muling lalabo ang kanyang pagtingin sa abot-tanaw. Malinaw ang tagumpay.385Please respect copyright.PENANAhwIQ0OWSAy
385Please respect copyright.PENANAXIryEHgNPw
"Salamat, Ama, sa lahat ng itinuro at ibinigay mo sa akin. Hindi kita bibiguin."385Please respect copyright.PENANASWLbpVflws
385Please respect copyright.PENANASoGs4BhduZ
"Tydel, sa simpleng pagtapak mo sa labas ng palasyo, tinanggal mo na ang lahat ng mga duda ko. Nagtagumpay ka na sa aking mga mata."385Please respect copyright.PENANArAl2eHTGRo
385Please respect copyright.PENANA4qKAywMLGq
Ngumiti si Tydel, isang munting ngiti ngunit taos-puso at totoo. Kay tagal nang nakalipas mula noong huli itong nakapiling ng puso niya.385Please respect copyright.PENANAYFADKF0LPm
385Please respect copyright.PENANA2tRGsJyRDM
Sa pagsakay ng bagong hari sa submarino, wala nang nagpabigat pa sa kanyang damdamin. Handa na siya, kahit na pininturahan ng luha't dugo ang daang kanyang tatahakin. Walang pag-aalinlangan niyang hinanda ang makina.385Please respect copyright.PENANA48Vkf0KDai
385Please respect copyright.PENANA5V8emK6AM3
Unti-unting lumubog ang submarino, palalim nang palalim hangga't ang tanging yumayakap sa kanya ay ang kadiliman. Ngunit hindi nakaramdam ng takot si Tydel. Malakas ang loob niya na malalagpasan niya ito.385Please respect copyright.PENANAE0aP90Kxg9
385Please respect copyright.PENANA0rlaZuBjNq
Umandar na ang makina, palayo ng kaharian.385Please respect copyright.PENANAdaKFmdHvyR
385Please respect copyright.PENANAnRDaJE0SfQ
Sa likuran, tiningnan ng bagong hari ang iniwanan niyang kaharian mula sa ilalim ng tubig. Ang ilaw sa maitim na gabi.385Please respect copyright.PENANAEVsEFbLp4g
385Please respect copyright.PENANAPYRM9mVqof
Nagsusumikap ang mga sundalo ng Midnia na labanan ang mga pumapasok na kabalyerong Teccian. Tila namula na ang mga pader ng mga gusali sa mga talsik ng dugo. Nangibabaw ang ilaw ng mga apoy na sinunog ang pag-asa ng bayan. Sa ere ay may mga barkong lumilipad, inulanan ng bomba ang mga depensa ng Midnia. Patuloy pa rin ang laban, at walang umatras sa mga Midnian. Tinadtad ng bala ang mga barko, sinaksak sa puso ang mga Teccian, at tinulungan ang mga manggagawa na tumakbo paalis ng gulo. Nananalo ang Midnia, ngunit kung sa huli ay putol ang kanilang paa, walang mauwiang pamilya, ano pang silbi ng giyera?385Please respect copyright.PENANACfHBICRgJL
385Please respect copyright.PENANAMc76qoeCZv
At ang nasa isip ni Tydel, ay ang kanyang pagkawalang-imik sa nangyari. Pero, hindi na niya kayang tumalikod. Paabante lang ang kanyang galaw.385Please respect copyright.PENANAG85XOYqPBV
385Please respect copyright.PENANAsmUKaxIQNZ
"Paalam, Midnia."385Please respect copyright.PENANAczKqii2r22
385Please respect copyright.PENANAfC86WahDhh
Ito na ang huling tingin ni Tydel sa kanyang iniwanang kaharian. Kung siya ma'y makabalik, ibang lugar na ang kanyang mauuwian.385Please respect copyright.PENANAY6PUscz0BP
385Please respect copyright.PENANAWQQGe71NiK