
Alas nuwebe na nang umaga, nang magising si Summer. Dahil na rin sa sobrang puyat at pagod sa paggawa ng kanilang group thesis. Bumibigay rin paminsan-minsan ang kaniyang katawan, at malimit na niyang nakalilimutan ang ibang bagay kagaya na lamang ng monthsary nila ni Will, ang kaniyang tatlong-taong karelasyon.
Magkababata sila Will at Summer, buhat pa noon, pinangako nila sa isa't isa na hanggang sa pagtanda ay hinding-hindi sila maghihiwalay. Subalit, tila ba hindi na naramdaman ni Will ang pagmamahal na minsan nilang nabuo, dahil na rin sa kakulangan ng oras ni Summer, naging mas focus pa ito sa kaniyang pag-aaral sa pag-asang makamit ang latin honors.
"Hindi na ikaw 'yan, Sum! Nagbago ka na. Kung dati hinahayaan lang kita kasi alam kong sobrang busy mo. Naiintindihan ko na may mga pangarap ka at kasama ako roon. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi mo magawang maalala kahit monthsary natin. Nag-usap tayo kagabi, buong araw akong naghintay sa may dalampasigan dahil umaasa akong darating ka. Alam kong thesis defense ninyo ngayon kaya nagtiyaga akong maghintay roon. Pero ano? Gabi na. Hindi ka dumating!" Sigaw ni Will.50Please respect copyright.PENANAmd7KHKVajK
50Please respect copyright.PENANAMuK7bc4SAa
"Sorry, ha? Kasalanan ko kasi kung bakit napuyat ako kagabi. Kasalanan ko, na ako lahat ang gumawa ng mga projects namin. Kasalanan ko kasi hindi ako nakatulog ng maayos, hindi makakain at samantalang kasalanan ko na naman kasi hindi kita nabati ng happy monthsary at pumunta sa lugar na napag-usapan natin. Sorry, ha?" Paiyak na sambit ni Summer.
50Please respect copyright.PENANA37pXHeIWvd
"You know, what? Let's pause for a while. It seems like our hearts are really tired." Sambit naman naman ni Will.50Please respect copyright.PENANAKSKui8ZtvS
50Please respect copyright.PENANAeFhDhkKHmU
Naiwang mag-isa si Summer, bitbit pa niya ang regalong ibibigay sana niya sa kasintahan. Subalit, mas nauna pa ang galit nito kung kaya't hindi na nya nagawa pang ibigay ang regalo. Kaagad namang tumalikod si Will dala ng pagkabigo ngayong gabi, nais niya lamang makasama ang minamahal sa araw ng kanilang pagmamahalan. Hindi lang ito ang unang beses nang sila'y mag-away. Subalit ang mga away na iyon ay hindi na umaabot pa ng umaga. Magdamag na sinubaybayan ni Summer ang kaniyang cellphone kung may message ba galing kay Will. Noon pa man, hindi nila pinapatagal ang kanilang away magkarelasyon, si Will ang kauna-unahang humihingi ng tawad at ilang minuto lang ay magbabati na sila.
Subalit, tila nagbago ang ihip ng hangin. Dahil magdamag ay hindi man lamang naka tanggap si Summer ng mensahe.
Kaya, sa kaniyang isipan. Labis niyang nabigo ang kaniyang minamahal. Kaya naman, sa kauna-unahang pagkakataon, nagpadala siya ng mensahe at hinintay ang reply nito.
50Please respect copyright.PENANA3Kslk6cznb
(message sent to: Love. "I'm sorry.")50Please respect copyright.PENANAUFrGrpMujb
Buntong-hininga niya itong ipinadala dahil na rin sa alam niya sa sarili niyang siya ang may kasalanan. 50Please respect copyright.PENANAd54TGYo04b
50Please respect copyright.PENANA9N9npwRCN0
Maya-maya pa ay, nakatanggap siya ng mensahe.
50Please respect copyright.PENANAFPK4yscY6d
(message from: Beshy. "Congrats! Thesis Defended!")50Please respect copyright.PENANA1WGmgYTA92
Mensahe ng kaniyang kaibigan. Napalitan naman ng ngiti ang kaniyang malungkot na puso dahil nagbunga ang pagod niya sa paggawa ng thesis at iba pang gawain. Hindi na niya siningil ang mga kasamahan dahil alam niyang may mga trabaho ang mga ito. Habang siya ay gumagawa ng mga gawain sa pag-aaral ay siya namang pagkayod ng kaniyang mga kasamahan upang matustusan ang kanilang pag-aaral at makatulong sa kanilang pamilya. 50Please respect copyright.PENANAt53GvypkoQ
Ipinanganak si Summer na may kaya ang mga magulang. Hindi man gaanong kayaman, subalit sapat na ito upang masabi niya sa kaniyang sarili na hindi siya naghihikahos. Graduated na ang dalawa niyang kapatid, at tanging siya na lamang ang natitirang nag-aaral sa pamilya. Nasa abroad na ang mga kapatid nito, habang nag-aasikaso naman ang kaniyang mga magulang sa kanilang negosyo.
Bulto-bulto ang kitaan, kaya lagi siyang may dalang baon at extra para sa kapos niyang mga kaklase.
Subalit, isa sa mga gustong mangyari ni Summer, ay mag-imbento ng time-machine. Nais niyang pumunta sa nakaraan kung saan malayo sa gulo ang paligid. Nais niyang maranasan ang buhay ng mga bayani, o hindi kaya ay, buhay ng ordinaryong mamamayan. Kung ano sila noon, kung ano ang kanilang mga sinapit at nais niyang magdala ng galak at pag-asa sa mga kabataan noong mga araw.
50Please respect copyright.PENANAbXS06Bn7Y5
Matapos ang buong magdamang na paghihintay ni Summer, hindi pa rin nagre-reply ang kasintahan. Kaya naman kaagad siyang natulog at umaasang mapanaginipan ang mga nakaraan.
50Please respect copyright.PENANAnry5xRlPfV
.....
50Please respect copyright.PENANAENxh3E4JsK
................
50Please respect copyright.PENANAF2VE7TSGJT
..........
50Please respect copyright.PENANAE0lmX1uedx
50Please respect copyright.PENANAnRzbjeH2lo
............
50Please respect copyright.PENANA3JH8BwvBhO
50Please respect copyright.PENANA0smthFgqyW
50Please respect copyright.PENANAtmYtgYhyNF
"Kay gandang binibini. Kay mesti-mestisa! Ano kaya't siya ay napadpad dito?"50Please respect copyright.PENANAhwGAx9sSM1
50Please respect copyright.PENANAk0p7mVMPyz
"Isang anghel na nahulog mula sa langit. Mahabaging Panginoon, isang birheng Maria ang iyong ipinadala sa amin!"50Please respect copyright.PENANA1Uoz98IUPk
50Please respect copyright.PENANAV4dLZDnzJa
"Hindi ko mawari kung ano ang ginagawa ng isang dayang dito, marahil ay pinaligwas siya kanilang dako."50Please respect copyright.PENANAmmK6yepFsf
50Please respect copyright.PENANAcgO5SgUlP0
........50Please respect copyright.PENANASqa56eSyS5
50Please respect copyright.PENANApxH2nFGJZL
.............50Please respect copyright.PENANA9janrS5bDy
50Please respect copyright.PENANAZ2d3rBhT19
Nagising si Summer dahil sa ingay ng paligid. Kinapa-kapa niya ang kaniyang higaan dahil dati itong malambot, subalit ngayon ay tila ba, nakahiga siya sa isang sementadong lugar.50Please respect copyright.PENANAJmIJ8RA80a
Napabalikwas siya, nang makitang pinapalibutan siya ng mga tao. Hindi niya alam kung anong eksena rito, subalit ang una niyang napansin ay, iba ang kaniyang kasuotan. Ang kaniyang buhok ay nakalugay, habang nakahiga sa tapat ng simbahan.
Binalutan siya ng tingin ng mga tao, tila siya ay nananaginip. Kaya kaagad niyang sinampal ang sarili, subalit. Nagtawanan lamang ang mga tao sa kaniyang naging asal. Dito na lamang niya napagtanto, na totoo ang lahat ng ito.
50Please respect copyright.PENANAWHLPNtAPjc
"Ate, ano po ang year ngayon?" tanong niya sa isang ale, na bitbit ang kaniyang siyam na buwang anak.50Please respect copyright.PENANAB1ELtahAkR
50Please respect copyright.PENANAsE7T0Fi9Xv
Nagkatinginan lamang ang mga ito sa isa't isa, at tila hindi masagot ang kaniyang tanong. Kaya naman iniba niya ang estilo ng kaniyang pagsasalita.
"Uhm, ano po ang petsa ngayon at taon?" tanong muli ni Summer.50Please respect copyright.PENANAvUZ4SoeIHZ
"Ibig mo bang ipabatid na nais mong malaman ang takdang araw at sangkapanahon? Ikadalawampu’t walo ng buwang Hunyo, sa taong isinusulat bilang labing-pitong daan at pitumpu" sagot ng babae.
Nakakunot ang noo ni Summer nang binilang ang sinambit ng ale sa kaniya, dahil na rin sa hindi niya ma-catch up kaagad ang mga sinabi nito. Kaagad naman siyang ngumiti at nagpasalamat saka umalis sa kumpol na mga taong nakapalibot sa kaniya.
Pinagpag niya ang damit kung saan puno ito ng punit at tila hindi nakapagsuklay na buhok sa sobrang taas.
50Please respect copyright.PENANAo2MAJEFyvE
"Diyos, ko! Nagbibiro lang naman ako, Lord. Ayoko po, rito! Ibalik niyo po ako para niyo ng awa." bulong ni Summer sa sarili. 50Please respect copyright.PENANAGM61fDHyud
50Please respect copyright.PENANAOf4eP6F6a9
Sa may dako, natanaw niya ang kakaibang set ng mga lalaki at babae. Nasaksihan niyang nasa bahay lamang ang mga kababaihan, habang kumakayod naman ang mga kalalakihan. Walang teknolohiya, walang modernong sasakyan. Tanging kalesa lamang ang kaniyang nakikita. Naka tuck-in pa ang mga mangingisda habang magarbo naman ang kasuotan ng mga mayayaman. Madali niyang napagtagpi kung sino ang mga ordinaryong tao sa may kaya.
"1770. Napag-aralan to namin sa history. If that's the case, nasa Spanish Colonial Period pa ako? Oh my God! Hindi to puwede. Sabi sa libro, marami ang rapist sa panahong 'to kaya malimit lang lumabas ang mga kababaihan. Nako, Lord! Ayoko po mamatay." paiyak na sambit ni Summer.50Please respect copyright.PENANAvuylTSsk9K
50Please respect copyright.PENANAfr1rPhEnpf
"Binibini, saan ka paroroon? Tila ikaw ay nawawala. Saan ka ba sumadya nang ika'y aking maidulot sa layon?" nakaiinis na titig at sambit ng isang lalaki.50Please respect copyright.PENANAnWMimGJywH
"Che! Mag toothbrush ka muna. Ang dami mong tartar!" at kaagad na umalis.50Please respect copyright.PENANAdVHxGiGmFA
50Please respect copyright.PENANA4DDTnhb4L6
Kinakabahan man si Summer ay mas nakaramdam siya ng excitement dahil ang minsan niyang panaginip, ngayon ay nagkatotoo. Hindi niya namalayang dala pa niya ang kaniyang bag at libro pati cellphone, hindi niya lang naramdamang nasa likod pala niya ang mga ito.
50Please respect copyright.PENANAld3EPKWsfS
"Wow, ang pangit naman ng bag ko. Sinama mo na nga 'yong libro at cellphone ko, Lord, 'yong bag ginawa mo pang sako bag." 50Please respect copyright.PENANA0m3gP3Y1XN
50Please respect copyright.PENANAmvIgtKPOSQ
Nagpatuloy na sa paglalakad si Summer habang kinukuhanan ng pictures ang bawat lugar na kaniyang mapuntahan. Sumakay rin siya ng kalesa, subalit pinababa dahil sa wala siyang maibayad.
50Please respect copyright.PENANAqgmh9vHLKi
Akala niya'y ma e-enjoy niya ang araw na ito, nang biglang...
50Please respect copyright.PENANAmJxjioUkM1
"¡Atrapad a esa mujer! Llevadla a la prisión para ser investigada sobre sus intenciones y lo que trae consigo." sigaw ng isang sundalo.50Please respect copyright.PENANAG6NlRRcYel
("Dakpin ang babaeng iyan! Dalhin siya sa piitan upang siyasatin kung ano ang kanyang layunin at mga dala.")50Please respect copyright.PENANAKu3EHje3Nc
50Please respect copyright.PENANAGtrErS5TTp
50Please respect copyright.PENANAa5RuGv0XI9
Hindi lubos maunawaan ni Summer kung ano ang panganib na naghihintay sa kaniya. Kaya naman mangiyak-ngiyak siya nang siya'y dalhin sa isang kuwartel. Dito ay makikilala niya si Simón de Anda y Salazar. Ang Appointed King of Spain. Ngayon niya na realize na, wala pa palang presidente ang namumuno sa taon na ito. Pinagpapawisan siya dala ng kaba.
50Please respect copyright.PENANA2x8q9SP1Ao
Hinalughog ng mga sundalo ang kaniyang bitbit at nakita ang libro at cellphone na gamit niya sa eskuwela. Nagtataka ang hari maging ang kaniyang mga sundalo kung bakit siya may ganito kaya naman kaagad siyang tinanong ng hari.
"¿Qué es esto? ¿Por qué lo tienes? ¿Eres una espía o qué? ¿Sabes cuál es el castigo por esto? Si se prueba que eres una espía… te cortaré la cabeza." buong saad ng hari.
("Ano 'to? At bakit nasa iyo ito? Isa ka bang espiya, ha? Alam mo ba ang parusa sa ganito? Kapag napatunayang espiya ka… pupugutan kita ng ulo.")
50Please respect copyright.PENANApNNDMe5KzA
Labis na nagulat si Summer dahil dito. Mabuti na lamang at marunong siyang magsalita ng Spanish kahit konti. Dala na rin na Chavacano ang kaniyang kaibigan sa future.
50Please respect copyright.PENANAWPLNtHUwra
"Señores, no soy una espía, y no conozco las leyes de su tiempo. Solo estoy aquí para viajar. Vengo de un lugar muy lejano. Las cosas que llevo conmigo son solo para mis estudios." sagot ni Summer.50Please respect copyright.PENANAlvOyCkNkqM
50Please respect copyright.PENANAlQLLVO5VWa
("Mga ginoo, hindi po ako espiya, at hindi ko rin alam ang mga batas ninyo sa panahong ito. Narito lang po ako upang maglakbay. Nagmula ako sa isang malayong lugar. Ang mga dala ko po ay gamit lamang para sa aking pag-aaral.")50Please respect copyright.PENANAWFpoO2PGa2
50Please respect copyright.PENANAxEz1KQlFhD
Napatingin ang hari sa kaniyang mga sundalo. Hindi nila lubos maisip kung bakit at paano siya nakapasasalita ng purong espanyol. Kaya naman, nagagalak ang hari sa kaniyang tinuran dahilan upang hindi siya patawan ng matinding kamatayan. Inalam pa niya ang bawat detalye ni Summer, kaya naman walang ibang matukoy si Summer kung anong lugar siya nanggaling kaya matindi ang kaniyang pagsisinungaling.
50Please respect copyright.PENANAUkTLAHxzNy
"Vengo de Zamboanga. Allí crecí y también estudio. Mis maestros son excelentes enseñando el español, por eso lo aprendí bien. Vine aquí porque nuestro profesor nos dio una tarea: tomar fotografías de lugares que nos inspiran. Y este lugar fue el que elegí." sambit ni Summer.
50Please respect copyright.PENANAcHJcxO7UNI
("Galing ako sa Zamboanga. Doon ako lumaki at doon din ako nag-aaral. Magagaling ang mga guro ko sa pagtuturo ng Espanyol kaya natuto ako. Nagtungo ako rito dahil may ipinagawa sa amin ang aming guro, kumuha ng mga larawan ng mga lugar na nagbibigay sa amin ng inspirasyon. At itong lugar na ito ang pinili ko.")50Please respect copyright.PENANAOYvv4mD3mx
50Please respect copyright.PENANAdaKdG45NDo
Akala niya ay mai-impress niya ang hari sa kaniyang sagot subalit napakunot ito ng noo at tila ba galit na galit.
50Please respect copyright.PENANAX0RQdRyfV2
"¡No permito la educación bajo mi mando! ¿Quién eres tú para estudiar? ¡La mujer debe quedarse dentro de su hogar! ¿Y qué maestro es ese del que hablas?" galit na tanong ng hari.
50Please respect copyright.PENANA9L51O4JyQe
Nanginginig sa takot si Summer at medyo nauutal. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito, kaya naman kailangan niyang makaisip ng paraan upang tumugon sa tanong ng hari.
50Please respect copyright.PENANAQVCqGsGMv0
"¡No permito la educación bajo mi mando! ¿Quién eres tú para estudiar? ¡La mujer debe quedarse dentro de su hogar! ¿Y qué maestro es ese del que hablas?" katwiran ni Summer.
50Please respect copyright.PENANACsbkIQYN8k
("I didn’t go to a formal school… I was educated at home. My teachers were my own parents. They taught me how to read, write, and speak Spanish. They were wise, kind people… but they are no longer with me. Both died due to a severe illness. Now… I’m alone. I’m an orphan.")
50Please respect copyright.PENANAUSp5HeVY2n
Kaagad namang napabuntong-hininga si Summer dahil naniwala ang hari. Nagpahiwatig ito ng pakikiramay sa dalaga. Kaya naman, pinatira siya sa isang silid ng palasyo at doon ay malaya siyang makagala. Pinahintulutan siya ng hari na manatili kapalit ay ang paglilinis sa buong palasyo. Si Summer, na hindi alam ang buong gawaing bahay ay kailangan matuto. Dahil, ayaw niyang mamatay ng maaga.
Sa kaniyang pananatili ay nasaksihan niya ang mga kahayupan ng mga espanyol. Ang mga kalalakihang Pilipino ay pinipilit magtrabaho sa mga proyekto ng gobyerno, tulad ng simbahan, kalsada, tulay, nang walang bayad. Ang mga prayle o paring Kastila ay minsang inaabuso ang kanilang kapangyarihan sa mga babae sa parokya o paaralan. Kinuha ng mga Kastila ang mga lupain ng mga Pilipino at pinatawan ng matataas na buwis kahit walang kita ang magsasaka. 50Please respect copyright.PENANA4rMBN5D0D4
Walang karapatan ang mga “Indio” tawag nila sa mga Pilipino, sa patas na paglilitis. Pinalo, kinulong, o pinatalsik ang mga naghihimagsik o ayaw sumunod sa batas. Inabuso ang kahinaan ng mga kababaihan, may mga espanyol na nanggagahasa ng mga babaeng katutubo. Kaya naman, hindi nauuso ang maligo sa panahong ito, dahil na rin sa takot na baka magahasa sila ng mga sundalo. 50Please respect copyright.PENANAe1dh3ieAWh
Pinaka masaklap na nasaksihan ni Summer, ay isang madre na ginahasa ng isang prayle. Naalala niya bigla ang istorya ni Maria Clara sa loob ng kumbento. Hindi makayanan ni Summer ang mga nakikita sa kaniyang paligid at sa bawat lugar na kaniyang madatnan, puno ng karahasan, at pang-aabuso sa ordinaryong mamamayan.
50Please respect copyright.PENANAYiEtasi6Ke
"Binibining mahabagin at sangkalan ng kagandahan, hindi ka rapat na lumabas. Maraming espanyol ang pagala-gala, sumusulyap sa bawat dilag na kanilang makikita. Ni bata ay wala silang pinapalagpas. Kaya't humayo ka at tumakbo ng mabilis, ipagdadasal kita." buong saad ng isang ale na kaniyang nakasalubong.50Please respect copyright.PENANAgQZZRHbrbi
50Please respect copyright.PENANA1gZ8UOgaE0
"Kung ganon po, maraming salamat sa paalala. Kayo rin po ay mag-iingat."50Please respect copyright.PENANAfmBnVtN56m
50Please respect copyright.PENANALFZd8cWVVY
Kaagad na umalis si Summer dahil sa bilin ng ale. Bumalik siya ng palasyo at ibinalita sa hari ang kaniyang nasaksihan na kaagad namang ikinagulat ng haring si Salazar.50Please respect copyright.PENANANGa9fU3Zdj
50Please respect copyright.PENANAxNsqcaJo3U
"No te permití quedarte aquí para que te entrometieras en las leyes y decisiones que he establecido. No eres nada para mí. Si no fueras tan hábil con mi lengua natal, ya habría entregado tu cuerpo a mis soldados. Así que cállate… y haz lo que se espera de una mujer como tú." buong saad ng hari.
("Hindi kita pinatira rito para makialam sa mga batas at pasyang ako ang gumawa. Wala kang kaugnayan sa akin. Kung hindi ka lamang bihasa sa wikang kinagisnan ko, matagal na kitang ipinagkaloob sa aking mga kawal. Kaya tumahimik ka… at gawin mo ang inaasahan sa isang kagaya mong babae.")
Napalunok na lamang si Summer sa naging turan sa kaniya ng hari kaya hindi na siya nagsalita pa at kaagad siyang umalis.
50Please respect copyright.PENANAvAYNYiwBnk
Kaagad siyang pumasok ng kuwarto upang tingnan ang kaniyang cellphone. Subalit noong una pa lang niya rito ay hindi na ito gumagana. Tanging pagkuha lamang ng litrato ang magagawa niya rito. Ang pinagtataka niya rin ay, hindi ito nalo-lowbut. Bagamat hindi pa naimbento ang mga apps sa panahong ito, wala ring signal, telepono at iba pang teknolohiya, isinusulat niya lamang sa notes ang kaniyang diary.
"Kahit papano, may notes pa rito. Hindi talaga ako mabubuhay kung wala akong ginagawa." saad ni Summer sa sarili.50Please respect copyright.PENANAQukiGcIgEP
50Please respect copyright.PENANA9piNCJbrZC
"Grabe ang higpit ni haring Salazar. First time ko siyang makita sa personal. Para pala siyang si Padre Damaso. Ang pangit ng buhok niya, pero kanina lang may wig na siya color blonde pa. Feel ko mabigat 'yon." saad ulit ni Summer sa kaniyang sarili.50Please respect copyright.PENANAU5M1lnfcfK
50Please respect copyright.PENANAtCcvGEdMTT
Maya-maya pa ay binuksan ng mga sundalong espanyol ang kaniyang silid at dinampot siya'y inilagay sa isang kulungan na puno ng mga kalansay.
50Please respect copyright.PENANATtJmVsr0QL
Sobrang takot ang naramdaman ni Summer dahil sa mga nakita subalit tinatagan niya ang kaniyang loob upang tumayo at tingnan kung ano ang mga kalansay na nakita.
May mga bungo ng sanggol at mga bata. May mga inu-uod din na mga katawan na pabulok na. Hindi nakayanan ni Summer ang nakita kaya sumigaw siya ng sumigaw hanggang mawalan siya ng malay.
50Please respect copyright.PENANAXHVLodF9Y3
Nang siya ay magising, pinalibutan na siya ng mga tao. Ibang-iba sa unang niyang salta rito. Ngayon, ay tila mga Hapones ang nakapalibot sa kaniya. Pinagmamasdan siya ng mga ito mula ulo hanggang paa. At ngayon, kakaiba na naman ulit ang kaniyang kasuotan. Hindi na nagustuhan ni Summer ang mga nangyayari. Tila ba pinaglalaruan na siya ng Panginoon. Kaagad siyang tumakbo papunta sa may dalampasigan. Tila ba pamilyar ang lugar na ito sa kaniya.
50Please respect copyright.PENANAfBKnh3yewU
Ngayon, ay naalala niya ang kaniyang pinakamamahal na kasintahan.
50Please respect copyright.PENANAcbOHSBjkK3
"Will, Will! Sorry. Please, pangako ko sa 'yo. Bibigyan na kita ng oras at mamahalin ng buong-buo. Ayokong mawala ka sa 'kin, miss na miss na kita. Mama, papa. Please, help me get out of here!" buong hagulhol ni Summer.50Please respect copyright.PENANADcGWyNjKGy
50Please respect copyright.PENANAMaE8PewF7w
Bago pa man maibsan ang kaniyang pangungulila ay bigla siyang hinampas ng isang bagay na matigas sa kaniyang ulo, dahilan upang mawalan siya ng malay.
50Please respect copyright.PENANAa3Wychy6vO
.....
...
50Please respect copyright.PENANAqVSUGsRcpi
..........
50Please respect copyright.PENANARDfAv8mnl9
Nang siya ay magising, hubo't hubad niyang nakita ang kaniyang katawan. Dinig na dinig ang isang umano'y lalaki, na nasa cr. Kaagad siyang bumangon at dali-daling isinuot ang kaniyang mga damit. Kinapa-kapa niya ang sarili, pinakiramdaman niya ito ng ilang segundo at biglang kinapa ang kaniyang pagkababae. Napabuntong-hininga siya nang malamang, hindi pa siya tuluyang nagahasa.
50Please respect copyright.PENANAyA4EjIVcnk
Dali-daling lumabas si Summer ng pintuan at umaasang makaaalis sa silid na iyon. Subalit, bago pa man siya makalabas, nakita siya ng mga sundalong hapones at siya ay hinabol.
50Please respect copyright.PENANAYOzk9nObCp
Tumakbo si Summer sa abot ng kaniyang makakaya, nang makarating siya sa isang tuktok ng building ay tila tinanggap na niyang ito na ang kaniyang katapusan.
50Please respect copyright.PENANAzhV1yrBqaw
"「そこまでだ!撃たれたくなければな。」"50Please respect copyright.PENANAuU8dxLiveP
(Soko made da! Utaretakunakereba na.)
(“Stop right there! If you don’t want to get shot.”) sigaw ng isang sundalo.
50Please respect copyright.PENANApj3KjlbsTY
Umaatras si Summer dahilan upang bumunot ng baril ang isa pang sundalong hapones. Sa walang ano-ano'y, tumalon si Summer mula sa ikatlong palapag ng building, ipinikit ang kaniyang mga mata. Tila, naghihintay ng kaniyang kapalaran.
Subalit, laking gulat niya, nang magising ulit siya sa lugar kung saan naghahari si Salazar. Nagising siya dahil sa malamig na tubig na bumuhos sa kaniya.50Please respect copyright.PENANAI6SAUB46Oj
Napabalikwas siya dahil dito, hinahabol niya ang kaniyang hininga. Kaagad naman siyang tinawanan ng mga sundalong espanyol. Ito raw ay utos ng hari.
50Please respect copyright.PENANAdb8EhcbZd7
"Menos mal que el rey no ordenó que te violaran. Seguramente eres demasiado deseable, si así hubiera sido. No nos desafíes, si no quieres que nosotros mismos busquemos la manera de entregarte al Rey Salazar." sambit ng isang sundalo.50Please respect copyright.PENANAoTPGMFeQxm
("Buti na lamang at hindi iniutos ng hari na ikaw ay halayin. Tila yata masyado kang kaakit-akit, kung sakaling nagkataon. Huwag mo kaming labanan, kung ayaw mong kami pa mismo ang humanap ng paraan upang ihandog ka kay Haring Salazar.")
50Please respect copyright.PENANAGyeWHnPgbP
Hindi nakapagsalita si Summer. Tila, siya ay naguguluhan sa mga nangyayari. Akala niya ay mamamatay na siya. Bumalik siya sa kaniyang kuwarto upang magbihis, nang alalayan siya ng isang madre. Si Lilita.
50Please respect copyright.PENANAPxcdTeNhJu
"Hindi ka na rapat pang makialam kung ano man ang iyong nasaksihan sa iyong paglalakbay, mabutihing dilag. Sapagkat', hindi mo alam kung ano ang panganib na naghihintay sa iyo. Nais kong mabatid mo, na hindi kailanman mananaig kung ano man ang lakas na mayroon ka. Walang ibang makikinig sa iyo kung hindi ang Diyos lamang. Kung kaya't, sa halip na magmuni-muni ka't makialam sa mga karumal-dumal na iyong nabatid, samahan mo ako't manalangin." saad ng isang mongha.50Please respect copyright.PENANA3Ttaw8IaiE
50Please respect copyright.PENANAXTNhx6pTk7
"Tawagin n'yo po sa aking pangalan. Summer. Iyan po ang aking pangalan. Ang ibig pong sabihin nito, ay tag-init. Nais kong malaman n'yo, na nag-aalab po ang aking puso sa galit. Dahil sa ginagawa nila sa atin. Wala tayong boses, ni bawal tayong bumoto. Bawal mag-aral, at bawal lumabas ng bahay. Hindi ito ang trato sa panahon ko, dahil sa panahon ko, malaya kaming gawin ang gusto namin, sister. Kaya, pasensya na. Ngunit, hindi ko magagawa ang magdasal sa mga panahong ito. Tila, pinaglalaruan ako ng Diyos, hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Kaya, tama na muna." sagot naman nito.50Please respect copyright.PENANA50sw2QBkO6
50Please respect copyright.PENANAtU7U9nekBB
Kaagad umalis si Summer dala ang kaniyang mga gamit. Hindi pa man sa may kalayuan, ay nakita niyang papalapit ang mga sundalong espanyol dala ang mga bihag na mga babae. Nagtago siya sa isang sulok kung saan hindi siya makikita. Nasaksihan ng kaniyang dalawang mata kung paano pinahirapan ang mga babaeng biktima. Umiiyak ang mga ito habang nakatakip ang kanilang mga mata at bibig. Ang mga kamay ay nakagapos sa isang kulungan na tila mga aso, punit ang mga damit na tila galing sa pagkahalay. Nadurog ang puso ni Summer dahil sa nakita. Kaya, sa halip na tumakas sa magulong lugar na ito, ay sinundan niya kung saan paroroon ang mga sundalo dala ang mga kababaihan.
50Please respect copyright.PENANAQ7rgWhfPDW
Nang biglang, hindi niya namalayan na may isang kalesa pa pala ang nasa kaniyang likuran kaya kaagad siyang nasipa ng kabayo. Tumilapon siya sa isang gilid at nawalan ng malay sa lakas ng pagkakatama. Nang magising siya, ay. Isang napaka misteryosong lalaki ang tumambad sa kaniyang harapan.
Kaagad na nanlaki ang kaniyang mga mata at bumangon ng marahas dahilan upang magtama ang kanilang mga noo.
50Please respect copyright.PENANAR46UsM1Zho
Ilang minuto rin silang nagkatitigan ng lalaki, umiwas lamang ito ng tingin dahil sa hindi ito komportabe sa naging suot ni Summer. Nakabukas ang kaniyang pangharap at nasaksihan ng lalaki kung gaano kaumbok ang kaniyang dalawang bundok. Kaagad naman itong tinakpan ni Summer.
50Please respect copyright.PENANAzBxptHUOgK
"Rapist ka ba? Ginalaw mo ba ako?" tanong ni Summer.50Please respect copyright.PENANAMIaOb9b2Oy
50Please respect copyright.PENANAoroNtf4qGR
Hindi kumibo ang lalaki, subalit patuloy pa rin sa pagsasalita si Summer ng mga masasakit na salita. Kaya naman napilitan ang lalaki na magpakilala.50Please respect copyright.PENANAolNhQ9UiCm
"Binibini, hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin, subalit kung ano man ang iniisip mo. Hindi ko iyon magagawa. Mayroon akong ina at isang kapatid na babae, kaya magtigil ka at maghinay-hinay kung ano man ang lumalabas sa matabil mong dila." saad ng lalaki.50Please respect copyright.PENANAs9JOLlg3m0
50Please respect copyright.PENANAKFRS4O38DC
Napatahimik na lamang si Summer dahil sa nasaksihan. Nalaman niyang hindi siya tulad ng ibang lalaki, na gahaman sa katawan ng isang babae. Kaya, naging mas komportable siya rito.50Please respect copyright.PENANA9SCvWInife
50Please respect copyright.PENANAsFntWpguKW
"Sorry. Hindi ko lang alam bakit ako nandito." saad naman ni Summer.
50Please respect copyright.PENANA8nQIRu8UEM
"Nandito ka sapagkat', ikaw ay aking dinala rito upang magamot. Isa akong doctor, at pasensya rin kung ikaw ay naguguluhan. Ikaw ay nasipa ng aking kabayo kanina lamang tanghali, at ikaw ay tumilapon sa isang gilid. Kaya, dali-dali kitang dinala sa aking bahay, upang gamutin. Huwag kang mag-alala, kung pakiramdam mo ay, umaayon na ang medisina sa iyong katawan, ay maaari ka nang umalis." sambit ng Ginoo.50Please respect copyright.PENANAkjnfAMtaPI
Tila, nagdadalawang-isip si Summer. Ngayon lamang siya nakaramdam ng proteksyon sa isang lalaki. Labis ang kaniyang kagalakan.
50Please respect copyright.PENANA0thZQCECpj
"Maaari bang, dumito muna ako, Ginoo? Kung iyo lamang mamarapatin. Teka, tama ba ang grammar ko? Hindi kasi ako sanay eh."50Please respect copyright.PENANAnzL4lM71hX
50Please respect copyright.PENANA2T451LOKxV
Napakunot ng noo ang lalaki.50Please respect copyright.PENANAUgX3k66hie
50Please respect copyright.PENANA1Drbkm9HB8
"Tila, nanggaling ka yata sa kakaibang demensiyon, binibini. Hindi ko mabatid kung ano ang iyong mga sinambit, subalit naiintindihan kita. Nagtataka lamang ako kung bakit kakaiba ka magsalita at alam mo ang ibig-sabihin ng grammar o balarila. Kung gayung, hindi naman pinahihintulutan ang mga kababaihan na mag-aral." buong saad ng ginoo.
50Please respect copyright.PENANAqinywM08Wd
"Ah, nag home school kasi ako. Teachers ang mama at papa ko. Educ din kinuha ko as my major. Alam mo na, good student. Pero namatay na sila, huwag mo na alamin kung bakit at paano. Basta super tragic. My name is Summer, Sammy na lang for short." magiliwi na sambit ng dalaga.50Please respect copyright.PENANApIwSvuJ5U0
50Please respect copyright.PENANAixvam2xWwU
"Sige, binibini. Magpahinga ka muna at magpagaling. Ipag-uutos ko lamang ang aking tagapag-alaga na alagaan ka rito. Ako ay dadako na."50Please respect copyright.PENANAoi7jI5CjOS
50Please respect copyright.PENANAxErV33ubls
"Teka, saan ka pupunta?" tanong ng dalaga.
50Please respect copyright.PENANAQZPsFtqAiA
"Maysakit ang hari, ipinapatawag ako ng palasyo. Oo nga pala, hindi ko nabanggit ang aking pangalan. Ako si Dominador. Domeng ang tawag nila sa akin. Paalam, binibini, at ako ay nagmamadali." pagmamadaling saad ni Domeng.50Please respect copyright.PENANAJ6mAF3E5dz
50Please respect copyright.PENANAkPrrpyXr7e
Kaagad namang nakaramdam ng galak si Summer. Sa wakas, at nakatagpo na rin siya ng perfect na lalaking nababasa niya lang sa libro. Sobrang bango ni Dominador, hindi pa naman naimbento ang pabango sa panahong ito, subalit curious siya kung ano ang gamit niyang pabango. Buong magdamag niya itong hinintay at ipinagluto pa niya ito ng hapunan.
50Please respect copyright.PENANA4hDXBrBGnt
Nang, may biglang huminto sa harap ng kaniyang bahay. Kaagad niya itong sinilip, at pinakinggan ang usapan.
50Please respect copyright.PENANAbIeuEDO5pD
"Ha desaparecido una mujer del palacio. Es mestiza, hermosa, un poco terca, y también sabe hablar español. El rey la está buscando, ya que es una sirvienta en el palacio. Si no la encontramos esta noche, nos matarán. La única casa que no hemos revisado es la tuya, así que déjanos entrar ahora mismo!"50Please respect copyright.PENANA0ORPr3ELcf
("Nawawala ang isang babae mula sa palasyo. Isa siyang mestisa, maganda, medyo matigas ang ulo, at marunong ding magsalita ng Espanyol. Pinapahanap siya ng Hari, sapagkat isa siyang utusan sa palasyo. Kapag hindi namin siya natagpuan ngayong gabi, kami ang papatayin. Ang tanging bahay na hindi pa namin nasusuri ay ang sa iyo, kaya papasukin mo kami ngayon din!")
50Please respect copyright.PENANA2bf8uguU91
Pagkarinig ni Summer sa mga sundalong naghahanap sa kaniya, ay nakaramdam siya ng takot. Ayaw na niyang bumalik pa sa palasyo. Kaya naman, tumalon siya ng bintana. Hindi na niya ininda ang sakit ng kaniyang mga paa buhat sa pagkakatalon, at dali-dali siyang nagtago sa mga damuhan na kung saan hindi siya makikita.
50Please respect copyright.PENANACHGRC7CdWQ
Nang malamang, paalis na ang mga sundalo ay kaagad siyang nagtungo sa loob at hinanap si Dominador.
Umiiyak siya nang kaniya itong yakapin.
50Please respect copyright.PENANAxSSUfeQwH5
50Please respect copyright.PENANA9Gb8dC5orT
................
50Please respect copyright.PENANAF9VZbBiePH
50Please respect copyright.PENANAXIZGrFv68t
50Please respect copyright.PENANAwYNjcE7L8o
50Please respect copyright.PENANAh3cBIQ8XQQ
50Please respect copyright.PENANAEgQGAyVkBK
50Please respect copyright.PENANANYiPREUqoM
50Please respect copyright.PENANAmzfpIwEaS5
50Please respect copyright.PENANAOpbUZdvvNH
50Please respect copyright.PENANATITq4NbXPz
AUTHOR'S NOTE: Hello, rito na muna magtatapos ang chapter na ito. Haha! Pampalipas oras ko lang. I hope you like it, see you sa next chapter. Pa comment naman po ako para ma remind ako na mag update. Thank you, pa support small authors po.
50Please respect copyright.PENANAYisYNg2EAv
50Please respect copyright.PENANAlHAIrWHI8n