Search stories, writers or societies
Continue ReadingClear All
What Others Are ReadingRefresh
X
Never miss what's happening on Penana!
hello sa kung sino man ang makakabasa nito.
akoy si Virgil, ang punong may akda ng nobelang may pamagat na "El Rumbo del Viento"(Kapag Umiihip ang Hangin). lubos akong nagpapasalamat sa mga tumitingin o bumabasa o bumibisita sa mumunting kwentong ito. ito ang unang pagkakataong makapaglatha ako ng isang obra, kung kaya't ang bawat pagsubaybay ninyo ang siyang nakapagpapanatili ng aking lakas upang ipagpatuloy ang pagsusulat.
kung masasagi sa inyong mga diwa ang katanungang "ano ba ang pinaka-tunay na layunin ko sa pagsusulat nito?" ay, ang layunin ko'y simple. Nais kong maisalaysay sa anyong nobela ang mga pangyayaring kinakaharap natin ngayon, upang mas maliwanagan tayo, mas mamulat, at mas maintindihan natin nang maigi kung ano nga ba ang dapat nating gawin bilang mga anak ng bayang ito. Hindi ako naniniwalang sapat ang pagdilat ng mga mata, sapagkat maaari itong ipikit muli. ang kailangan natin ay ang lakas ng loob upang tayo'y magkaroon at katnigan ng boses, boses na naaayon sa tama, naaayon sa wasto, upang makamit natin ang kaginhawaan na inaasam-asam nating lahat. naniniwala akong sa pagbasa nitong nobelang ito'y mahimok ang karamihan sa inyo na magkaroon ng lakas ng loob na tumindig para sa kung ano ang tama at nararapat, hindi lang sa atin, kundi na rin sa ating paligid at sa kinabukasan ng bansa.
bagama't ang mga pangyayaring nagaganap sa nobela'y unti-unting nag-iinit, lalo na ang kaabang-abang na magaganap sa pista, humihingi ako ng paumanhin sa inyo kung hindi muna ako makakapag-update nang mas maigi kaysa noong mga nakaraan. ang inyong butihing may akda'y tutuntong na sa ikaapat na taon sa colegio, at mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang thesis. magkakaroon pa rin naman ng updates, ngunit hindi na ganoon kadalas.
ngunit bilang ganti sa inyong pagtitiwala at sa pagbabasa nitong aking akda'y niluluto ko na ang magaganap sa pistahan. inyong abangan kung ano nga ba ang mga pangyayari sa pista, kung sino-sino nga ba ang nagpunta sa kumbento ni F. Hidalgo Cesar upang maging patron, kung ano ang magiging hitsura ng pista, kung sino ang mga tauhang dadalo sa pista, at mga pangyayaring magaganap sa pista.
hanggang dito muna't ako'y antok na. muli, maraming salamat sa inyong pagbasa!
A.V. Arseda

3 days ago
Like!
0
×
People Who Like This
x
Before You Publish
Please ensure your story does not contain illegal, hateful, inciting, or violence-promoting content, or any infringing, plagiarized, or spam material, and that it complies with Penana’s Terms of Use.
Penana reserves the right to remove any content that violates these rules or causes legal or community risk, and to suspend or terminate related accounts.